Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SEA Games medalist namatay

0 180

Namatay na nitong April 27 si dating national middle distance runner David Ravas Villanueva ng Block 15, Lot 2, Phase 1, Lake Breeze Residences sa Looc, Calamba City dahil sa atake sa puso sa edad na 52-anyos.

Siya ay miyembro ng Philippine track and field team na nagwagi ng bronze medal sa men’s 4×400-meter relay sa 1991 Manila Southeast Asian Games at nagkampeon sa mga 800m run sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP), at sa Armed of the Philippines-Philippine National Police (AFP-PNP) Olympics.

SM food to go Banner Ad

Inulila niya ang kabiyak na dati ring national team member at former PH junior 800m run record holder na si Hazel Madamba, anak na si King David M. Villanueva, at inang si Aniceta R. Villanueva.

Ibinurol ang labi ni Villanueva sa kanilang tahanan sa Calamba, Laguna at ihahatid sa huli niyang hantungan sa Calamba Municipal Cemetery sa Barangay Lecheria ngayong Miyerkoles, May 5.(Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.