Abante Tonite Interactive

SEAG budget nina Cayetano-Dizon kakalkalin ng Senado

381

Paiimbestigahan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa Senado ang ginastos ng gobyerno para sa pag-host ng 30th Southeast Asian (SEA) Games ngayong Disyembre.

Ito’y matapos kuwestiyunin ni Drilon sa budget deliberation sa Senado sa panu­kalang pondo ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) na P55 milyong halaga ng stadium ‘cauldron’ na itinayo sa New Clark City sa Capas, Tarlac.

“Sa akin, masyadong extravagant ang mahiwaga at pinakamalaking kaldero sa buong mundo, sa kasaysayan ng ating bansa,” pahayag ni Drilon sa panayam ng mga reporter kahapon.

Nakatakda ang SEA Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre.

Ayon kay Drilon, maghahain siya ng resolusyon na naglalayong imbestigahan ang ginastos ng pamahalaan sa pagsasagawa ng SEA Games sa bansa.

“After the games in December, I will file a resolution for the Senate to investigate this,” sambit pa nito. (Dindo Ma­tining)