Abante Tonite Interactive

SEAG mascot ‘Pami’ nilait ng mga netizen

280

Hindi nasiyahan at pinagkatuwaan ng mga netizen ang ipinakilalang 30th SEA Games 2019 official mascot na si ‘Pami.’

Isang ‘smiling sponge ball-type figure’ang pagkalikha kay ‘Pami’ na kinuha sa Filipino word na ‘pamilya.’

Hindi naman pinalampas ng mga netizen ang pang-aasar sa mascot kagaya ng pang-aalaska rin sa SEAG logo.

Sari-sari ang mga reaksyon ng mga netizen na pinagkatuwaan ang mascot.

Ilan sa mga tweet ang nagsabing “does the graphic designer drunk or what? PH’s mascot for 2005 SEAG is an eagle, pati ba ung budget for design kinurakot?????”

Ilan naman ay nag-react sa pamamagitan ng mga meme.

Isa pang tweet ang nagsasabing kinuha ang pangalan ni Pami sa sagot ni Binibing Pilipinss 2008 Janina San Miguel.

Nakatakda ang SEA Games sa Nobyembre 30-Disyembre 11 sa Manila, Clark, Bulacan, Pampanga at iba pa.