Abante Tonite Interactive

SEAG: Problema sa mga gamit aayusin – Ramirez

209

Lampas dalawang buwan na lang bago ang pagtataguyod ng bansa para sa 30th Southeast Asian Games 2019.

Pero ‘di pa rin natatapos ang mga isyu gaya sa problema sa paghahanda at paglalabanang sports kaya tuluyang nagbigay ng ultimatum ang Office of the Chef de Mission.

Giniit ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman at Team Pilipinas Chef de Mission William ‘Butch’ Ramirez, sa 5th CDM Consultation Meeting Biyernes sa Philippine International Convention Center sa Pasay, na may hanggang Lunes na lang ang lahat ng mga NSA upang kumpletuhin ang kanilang mga equipment at request.

“We have to find a very good solution. We are approaching 77 days and the biggest concern is the procurement of the equipment. We are giving ourselves up to Monday, kapag ‘di namin nakuha iyan, malaking problema iyan sa P5 or P6M na kailang equipment. The country is at stake here now, kaya nga sabi ko kanina after the prayer, ‘di na ito PSC, POC o Phisgoc, Pilipinas na ang nakataya dito.”

“We have compelling issues na dapat resolbahin and it is a crack time now. I have to rush also to the president to secure how we can fast track getting the needed equipment for all our NSAs.”

Isa rin sa pinag-usapan sa pagtitipong dinaluhan ni House Speaker Alan Peter Cayetano ay ang pagbuo sa crisis management committee na may isang opisyal na siyang magbabantay at magsisiguro na lahat ng mga problema para agad mabibigyan ng solusyon.

“Isa iyon sa pinag-usapan namin para maasikaso ang lahat ng concerns. This is a national endeavor kaya kailangan natin ng sama-samang asikasuhin. Alam naman natin na magagaling ang mga Pilipino kapag nagtutulungan,” panapos ni Ramirez. (Lito Oredo)