Abante Tonite Interactive

SEAG swimming, qualifying din sa Olympics

203

Isang malaking pagkakataon sa mga pambansang atleta sa rehiyon ang naisagawa ng Philippine Swimming Inc. matapos nitong makumbinsi ang internasyonal na asosasyon sa swimming na FINA na kilalanin ang isasagawa na swimming event sa 30th Southeast Asian Games bilang kasama sa qualifying­ meet sa 2020 Tokyo Olympics.

Lubos na pinasamalatan ni PSI president Lani Velasco ang pagbibigay pagkilala sa gagawin sa bansa sa 30th SEA Games bilang isa sa mga qualifying tournaments sa 2020 Tokyo Olympics kung saan makakakuha ng ranking points ang isang atleta upang makapagkuwalipika sa kada apat na taong Olimpiada.

“We are very grateful that FINA has approved the 30th Southeast Asian Games as a qualifying meet for the Tokyo Olympics. This unprecedented event is a great opportunity for our swimmers in the attainment of our goals in Philippine swimming. Let us not waste this chance by infighting and bickering but instead work in a spirit of unity and cooperation,” sabi lamang ni Velasco.

Nakasaad naman sa sulat ni Cornel Marculescu, Executive Director ng FINA, ang polisiya para sa paggagawad nito sa oportunidad sa mga atleta ng 11 bansang kasali sa SEA Games para makapagkuwalipika sa Olimpiada.

“We have the pleasure to inform you that FINA has approved the following competitions as meets where swimmers can achieve the FINA A and B Swimming Qualifying Standards – 30th Southeast Asian Games December 2-6 in New Clark City Philippines,” sabi ni Marculescu.

“We would appreciate receiving the official results by email immediately after the conclusion of the above mentioned meets,” sabi pa ni Marculescu.