Abante Tonite Interactive

SEAG tuloy kahit may sabotahe — Phisgoc

191

WALANG MAKAKAPIGIL

Sinigurado ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) na tuloy-tuloy lang ang paghahanda ng bansa para sa nalalapit na pagho-host ng 30th SEA Games 2019 sa Nobyembre.

Determinado ang Phisgoc na maging maayos ang paghahanda kahit na may budget cuts at iba’t ibang problemang kinahaharap.

“We know that the budget limitation is a major factor. But our strong will to mount the best SEA Games in history for the sake of our athletes and the Filipino people is bigger than any other problem confronting us today,” bahagi ng pahayag ni Phisgoc Chairman Allan Peter Cayetano, dinugtong na ‘di rin sagabal ang pananabotahe ng ilan.

Mas maaga nito ring Biyernes unang giniit ni Philippine Olympic Committee (POC) President Victorico Vargas na fake news ang kumakalat na ‘di matutuloy ang 11-nation biennmial meet sa darating na Nob. 30-Dis. 11.

Pinamudmuran ni Vargas ang 56 national sports association ng P100,000 bawat isa bilang ayudad sa paghahanda sa SEAG.

Sinegundahan ng Phisgoc ang POC na tuloy sa bansa ang kompetisyon kasabay ng papalapit na pagbuo sa New Clark City Sports Complex na gagamitin sa 12-day sportsfest.

Ang nalalapit na SEAG ang may pinakamaraming sports na nakalatag sa kasaysayan nito, 56 sports at 523 events.

“As we speak, we are now into the detailed planning of these sporting events, including the six (6) e-Sports made as medal events for the first time in a multi-sport competition sanctioned by the International Olympic Committee,” hirit ni Cayetano.

Wala na rin aniyang makakapigil sa pagho-host ng Pilipinas sa SEA Games kahit maraming personalidad na gustong isabotahe ang SEAG.
(Fergus Josue, Jr.)