Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Seaman, OFW pinasasama sa A4 ng virus bakuna

0 248

Umapela si Senador Christopher `Bong’ Go sa Department of Health (DOH) na isama sa A4 vaccination priority list ang mga seaman at iba pang overseas Filipino worker (OFW).

Ayon kay Go, dapat ikonsidera itong requirement sa mga seaman at OFW para makapagpatuloy sa kanilang trabaho sa ibang bansa. Mungkahi pa nito na gamitin ang bangkuna na tanggap sa bansang pupuntahan ng mga seaman at OFW.

“Nais nating mabakunahan na ang sektor na ito para po maibalik na ang kabuhayan nila at makatulong sa ekonomiya. May mga pamilya po silang binubuhay, tulungan natin sila para mas makatulong rin sila sa komunidad nila,” dagdag ng senador. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.