Abante Tonite Interactive

Sean dagdag pilay sa Batang Pier

By
2,095

Dobleng pilay ang inabot ng GlobalPort – sa tao at sa laro.

Nasa injury list pa rin si scoring machine Terrence Romeo, nalagasan muli ng isa pang kamador ang Batang Pier nang abutin ng left foot injury si Sean Anthony nitong Linggo sa Ynares Center sa Antipolo.

Bago natapos ang 105-98 overtime loss sa Alaska, kumikikig pa ang team ni coach Pido Jarencio sa pangunguna nina Anthony, Stanley Pringle at Kelly Nabong.

Si Pringle ang unang nagpuwersa ng first overtime ng season at ng PBA Philippine Cup nang isalpak ang drive para sa 93-93 count 8 seconds sa regulation, at hindi na nakadiskarte ang Aces.

Si Anthony naman ang naghatak ng pang-siyam na tabla nang humaginit ang kanyang 3 tungo sa 96-96 count, pero may 2:49 pa sa extra period ay napasama ng tapak.

Nag-drive si Anthony, natapakan ang isang paa ng kanyang defender. Bagsak ang Fil-Canadian sa sahig, namimilipit habang sapu-sapo ang kaliwang paa.

Maya-maya ay namaga na ang paa ni Anthony at inilabas na may produksiyong 21 points, 14 rebounds, three assists at 1 steal.

Out si Anthony, walang ibang mapuntahan ang Batang Pier dahil ikinahon na ng depensa si Pringle. Hindi rin makadiskarte si Nabong.

Tuloy, naubusan ang GlobalPort at nalaglag sa 3-4 para makipaggitgitan sa sixth-ninth. (Vladi Eduarte)