Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sean natukso kay Cloe: Tao lang po kami

0 230

NI: VINIA VIVAR

Buong ningning na umamin sina Sean de Guzman at Cloe Barreto na tinablan sila pareho sa maiinit nilang eksena sa pelikulang The Influencer.

“Tao lang po kami,” natatawang sabi ni Sean sa mediacon ng pelikula after the screening.

Ayon sa aktor, may isang eksena raw talaga sa movie na tinablan siya at hindi na niya binanggit kung alin sa mga sandamakmak nilang love scene doon.

Agree naman si Cloe. “Kasi du’n po sa scene, madadala ka. So, yes,” sey ng sexy actress.

Natanong din ang dalawa kung may posibilidad ba na ma-in-love sila sa isa’t isa at sagot ni Sean, “why not?”

Dagdag pa ng aktor, “hindi ko naman sinasara ang puso ko.”

Natatawa namang sabi ni Cloe, takot daw siya sa manager nilang si Len Carrillo.

Sey ulit ni Sean, “magkapatid po kasi kami talaga ni Cloe, pero may mga ano rin naman” na hindi namin ma-gets kung ano ang ibig niyang sabihin sa ‘ano.’

Anyway, napanood namin ang The Influencer sa private screening kamakailan at pinatunayan ng direktor na si Louie Ignacio na kaya rin niyang gumawa ng ganito katinding sexy film.

“First time ko ‘to, kinabahan ako nun’g ginagawa ko pero alam ko na maganda ‘yung magiging finished product kasi pagkakita ko sa mga ididirek kong artista, sabi ko, ‘ah, maganda ito.’ And ang gagaling nila,” sey ni direk Louie.

“Salamat at nagkaroon ako ng ganitong klaseng project,” dagdag pa niya.

Streaming na ang The Influencer sa Vivamax this Aug. 12.

Leave A Reply

Your email address will not be published.