Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sean tinablan sa lampungan

0 68

Ni: Archie Liao

Natutuwa si Sean de Guzman kapag tinatawag siyang Vivamax King dahil sa dami ng hit movies na ginawa niya sa number one Pinoy digital streaming platform.

Gayunpaman, hindi raw niya tinitingnan ang sarili na may monopolyo ng nasabing titulo.

Mas importante raw sa kanya na nabibigyan siya ng trabaho at maraming producers ang nagtitiwala sa kanyang kakayahan.

Sa kanyang pinakabagong pelikulang ‘The Influencer,’ nakaka-relate daw siya sa kanyang role bilang isang Chaofan o idolong pumapatol sa kanyang fans.

Aminado raw kasi siyang na-stalk na siya before ng isang fan na madalas siyang sundan.

Gayunpaman, hindi raw naman dumating sa puntong pinatos niya ang kanyang fan tulad ng kanyang karakter sa pelikula.

SM food to go Banner Ad

Sa dami naman ng sex scenes nila ng bidang si Cloe Barretto sa movie,hindi raw naman niya ikinakailang minsan ay tinatablan siya rito.

Happy rin si Sean dahil patuloy ang pagratsada ng kanyang career mula nang magbida siya sa ‘Anak ng Macho Dancer.’

Katunayan, malaki na raw ang ipinagbago ng kanyang buhay dahil nakakapag-provide na siya sa kanyang pamilya.

Ibinida rin niya na dinalaw na sila ng kanyang estranged father na iniwan sila mga 11 or 12 years ago.

Aniya, kahit may feeling of awkwardness sa kanilang muling pagkikita ng ama, napatawad na raw nila ito sa pag-aabandona nito sa kanila.

Mapapanood na sa August 12 ang pinag-uusapang cautionary tale of lust and obsession na ‘The Influencer’ sa Vivamax.

Leave A Reply

Your email address will not be published.