Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sebastian reyna ng chess

0 83

Bumawi si Mhage Gerriahlou Sebastian sa sixth round loss at sinaksihan ang pagkaupos ni erstwhile solo leader Ruelle Canino upang maging prinsesa sa wakas ng Philippine National Juniors Chess Championships Martes ng gabi sa Philippine Academy for Chess Excellence sa Quezon City.

Pinisak ng 15-anyos na pambato ng Cordillera mula Luna, Apayao at Far Eastern University si Rinoa Mariel Sadey at pinanood ang pagyukod ni Canino sa humawak ng puti at kampeon noong 2019 na si Vic Glysen Derotas upang masungkit ang korona ng girl’s division sa 7.5 points.

Related Posts

Draw na lang ang kailangan nang pinakabatang nag-qualify sa round robin grand finals na si Canino para mamayagpag, pero inalat sa torneong mga sinuportahan nina Philippine Sports Commission Chairman William Ramirez, National Chess Federation of the Philippines president Prospero Pichay Jr., Philippine Olympic Committee prexy Abraham Tolentino at Chess Movement Inc. chair Ariel Potot. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.