Abante Tonite Interactive

Sebete, PetroGazz sinalya uli ang Chef’s

272

Inararo ni ni Jonah Sabete ang mga humarang sa kanya para manibelahin ang PetroGazz sa muling pagpitsara sa C hef’s Classic, 25-21, 25-14, 25-12, sa 3rd PVL Open Conference 2019 round 2 elims sa The Arena, San Juan City.

Pumoste si Sabete ng siyam na spike at tatlong block pa-team-high 12 points niya upang ibigay sa Angels ang ika-pitong pananalanta at talian ang pagsakop sa segunsa sa 8-2 win-loss mark sa 9-team, midseason women’s volleyfest.

Nakasapakat ni Sabete Angels si Jovielyn Prado na naka-anim na attack at apat na service ace para pahabain pa ang bangungot sa 0-14 ng Lady Red Spikers, pinangunahan ng pitong puntos ni Nieza Viray.

“Tinitignan pa rin naming yung consistency ng laro namin,” wika ni AnArnold Laniog. “Since malakas yung floor defense nila [Chef’s Classic] so kailangan talagang mataas naming yung porsyento para ma-break talaga yung floor defense.” (Aivan Episcope)