Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sec Bautista binira ni Lacson: P1M payroll sinubi ng DSWD exec

0 69

Kinuwestiyon ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang kawalan ng aksiyon sa isyu ng pasuweldo sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 11, kung saan ang P1 milyong nakalaan para sa employees’ travel allowance (TEV) ay inilipat umano sa account ng isang administrative assistant, at pinagtakpan ito ng isang opisyal.

“We should not wait for the other cases. This is pretty solid. There were victims. By now, one year later, dapat nasa Ombudsman na siguro ito. Kung now wala pang progress, we cannot expect any more action on this matter,” sabi ni Lacson sa deliberasyon ng 2022 budget ng DSWD.

Base ito sa reklamo ni Audrie Perez, dating Pangulo ng Social Welfare Employees Association of the Philippines (SWEAP).

Sabi ni Lacson, nangyari ang insidente noong Oktubre 2020.

Ayon sa reklamo, isang DSWD staff na Pantawid Field Implementer ang pumunta sa San Pedro branch ng Land Bank of the Philippines para humingi ng tulong matapos hindi maideposito sa kanyang account ang kanyang TEV.

Napag-alaman nila na maging ang TEV ng ibang regional staff ay dineposito sa account ng isang Ireneo Suerto na isang administrative assistant na in-charge sa paghahanda ng payroll.

Ngunit sa kabila ng naturang insidente, hindi nila sinibak o sinampahan ng kaso si Suerto.

“Worse, a certain Margie Cabido (Pantawid Program Division Chief) ordered to keep the incident a ‘secret’. This complaint has also been elevated to Secretary Rolando Bautista, but no investigation has been conducted until now,” saad ni Lacson.

“That’s why out of desperation, Mr. Perez sought the assistance of other officials in Congress,” dagdag ng senador. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.