Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sec Berna hinimok travel industry mag-digital na

0 208

Hinikayat ni Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang mga nasa travel industry na lumipat sa digital at gamitin ang electronic commerce at contactless transaction para sa new normal.

“The recommended protocols of the ‘new normal’ encourage contactless transactions, hence, the shift to e-commerce is absolutely necessary for business continuance in the post-COVID world,” pahayag Puyat sa ginanap na CTRL + Biz Reboot Tourism Now Series sa ilalim ng DOT Online Learning Courses para ibangon ang turismo sa bansa sa pakikipagtulungan ng Department of Trade and Industry (DTI).

Sinabi ito ni Puyat matapos lumabas ang Philippine Tourism Survey: COVID-19 Edition na isinagawa ng Isla Lipana & Co./ PwC Philippines (PwC) kung saan nabatid na 63% ng mga tourism player ay nagpahayag ng kumpiyansa na makababangon ang kanilang mga negosyo sa 2021.

Ayon kay Puyat, kung nais ng mga tourism player na makabangon agad ay kailangang mag-isip ng ibang istratehiya at gamitin ang mga makabagong teknolohiya para isulong ang mga health at safety protocol sa new normal.

Leave A Reply

Your email address will not be published.