Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sec Berna kinakasa murang swab test sa mga turista

0 51

Patuloy na ginagawan ng paraan ng Department of Tourism (DOT) ang pagbibigay ng diskuwento sa presyo ng RT-PCR test para sa mga lokal na turista.

“We’re working on kung puwede pa namin mababaan. Siyempre, we want travel to be affordable to everybody,” pahayag ni DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat kahapon.

Ayon sa kalihim, sa ngayon ay P750 lamang ang presyo ng RT-PCR test sa Philippine Children’s Medical Center para sa mga turista na manggagaling sa NCR.

SM food to go Banner Ad

Bukod dito, binigyan din ng DOT ng subsidiya ang Philippine General Hospital (PGH) upang mapababa sa P950 ang RT-PCR test ng mga turista.

Gayunman, sa tingin ni Puyat ay mataas pa ang mga naturang halaga at dapat itong ibaba pa.

Samantala, ibinalita rin ng kalihim na noong Biyernes, Oktubre 8, ay tinanggal na ng pamahalaan ang age restriction para sa mga turista galing sa National Capital Region na bibi8yahe sa mga tourist spot na nasa ilalim ng modified general community quarantine at GCQ. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.