Abante Tonite Interactive

Sec Berna nag-text ng ‘sweetie’ sa DILG chief

By
284

Sa hindi inaasahang pangyayari, natawag ni Tourism Secretary Berna Puyat na ‘sweetie’ si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año nang ma-wrong send ito ng text.

Ibinahagi ni Puyat sa isang post sa Instagram noong Huwebes ang maling text message na ipi­nadala niya kay Año na dapat ay para sa kanyang anak na lalaki.

Ipinost din ang isang screenshot ng kanilang pag-uusap na may caption na “I receive so many text messages everyday and I try my best to reply to all of them.”

Aniya tini-text niya si DILG Secretary Año at ang kanyang anak sa parehong pagkakataon at hindi sinasadyang naipadala niya sa secretary ang mensahe sa anak.

Sa isang screenshot, ang message ni Puyat kay Año ay “Sweetie do you need the earphones for your iphone?”
Nang ma-realize ang kanyang pagkakamali, agad siyang nagpadala ng isa pang text na nagsasaad ng “Sec!!!!! That was for my son!!! Haha! Sorry!!! Oh my gosh!” …, “OMG!!!! Sec!!!!”

Sumagot naman si Año ng “Ha ha ha its ok Sec Berna. Yes di natin palulusutin yan. PRRD now speaking.”
Sinabi ni Puyat: “I am so embarrassed,” na sina­got naman ni Año ng “No worry Sec Berna. We’re bestfriends naman. God bless!!!”