Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sec Berna: Puwede mamasyal taga-NCR Plus sa MGCQ area

0 73

Pinalawig ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang pagbiyahe ng mga galing sa NCR Plus patungo sa mga lugar na nasa nasa modified general community quarantine (MGCQ) hanggang Hunyo 30.

Base sa Resolution No. 121 ng IATF, pinayagan ang lesure travel sa lahat ng edad mula sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ) patungong MGCQO pero point-to-point travel lamang.

Sinabi ni Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat na layon nitong makabalik na sa kanilang paghahanapbuhay ang mga tourism worker na naapektuhan ng pandemya.

SM food to go Banner Ad

Nilinaw naman ng DOT na may paghihigpit pa ring ipatutupad tulad ng pagsusumite ng negative result ng swab test sa mga edad na mababa sa 18-anyos at mataas sa 65 taong gulang.

Ang mga lugar na kabilang sa NCR Plus ay Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.