Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sec Berna target buksan lahat ng MGCQ tourist site

0 72

Umaasa ang Department of Tourism (DOT) na lahat ng tourist destination sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ) ay maaari nang buksan sa taong ito.

“It should all be open because by the mere definition, if you’re under MGCQ, it means that your cases are low and leisure is already accepted,” paliwanag ni DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa isang panayam.

Naiintindihan umano ng kalihim na ilang lokal na pamahalaan ang nag-aalangan pa na tumanggap ng mga turista dahil sa patuloy na banta ng virus.

Gayunpaman, wala pa naman umanong lugar na nagbukas ng kanilang tourist spot, ang nag-ulat na may outbreak dahil requirement ng mga ito sa mga turista ang negatibong COVID test.

Sinabi pa ng kalihim na mahirap pa sa ngayon ang desisyon kung magbubukas na ang bansa para sa mga dayuhang turista dahil sa pagbabago ng mga protocol at COVID-19 situation. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.