Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sec Berna: Travel protocol pag-isahin

0 185

Nais ni Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat na magkaroon ng iisang travel protocol para sa lahat ng tourist destination sa bansa.

“Gusto ko sana uniform na ang travel protocols kasi per destination iba-iba talaga ang protocol. Siguro nagsisimula pa lang, eventually we hope na may isa lang travel protocol, hindi `yong papunta ka isang lugar, `yong iba kasi nagdya-jump from one province to another iba-iba ang protocol,” ani Puyat sa panayam sa radyo nitong Sabado.

Kabilang kasi sa idinadaing ng mga turista ang iba-ibang COVID-19 test na ipinatutupad sa bawat lugar na kanilang pinupuntahan.

SM food to go Banner Ad

Sayang lang umano ang pera nila kapag nalaman na kailangang kumuha ng isa pang COVID-19 test para sa kanilang destinasyon.

Pinayuhan naman ni Puyat ang mga turista na makipag-ugnayan muna sa mga local government unit o itsek sa phone app ng DOT ang mga requirement sa bawat destinasyong pupuntahan ng mga ito.

Samantala, ilan sa mga lugar sa bansa na maaari nang pasyalan ay sa Ilocos Sur, Ilocos Norte, Baguio City, Bohol, Boracay, Siargao, El Nido at Coron sa Palawan.

Unti-unting pinaluluwag ng gobyerno ang mga protocol para sa domestic tourism dahil inaasahan nitong mapapalakas ang ekonomiya ng bansa na apektado ng COVID-19 pandemya. (Issa Santiago/Mina Diaz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.