Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SEC binawi rehistro ng pyramiding firm

0 181

Binawi ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang registration ng Pigdeals International Holdings Inc. bilang isang korporasyon dahil sa paglabag nito sa batas tungkol sa investment at pyramiding.

Nabatid na noong 2019 pa nagbabala ang SEC tungkol sa Pigdeals at iba pang mga kompanya dahil sa kanilang pagbebenta ng investment ng walang lisensiya.

Inisyuhan ng Enforcement and Investor Protection Department (EIPD) ng SEC ang Pigdeals ng show cause order para magpaliwanag kung bakit hindi dapat bawiin ang kanilang registration. Pinadala ang kautusan sa registered na tanggapan ng Pigdeals ngunit bakante na ang opisina.

Sinubukan din ng EIPD ipadala ang kautusan sa mga incorporator ng kompanya ngunit mali o hindi totoo umano ang mga ibinigay nilang address sa SEC. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.