Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sec Dar kinuyog sa P19/kilo ng palay

0 154

Inulan ng batikos si Agriculture Secretary William Dar nang mag-post ito sa Facebook kung saan pinagpipiltan niyang nasa P19 per kilo ang presyo ng palay sa Cagayan Valley at P18 per kilo ito sa Central Luzon base umano sa survey report ng Philippine Rice Information System (PRiSM).

“19 per kilo? Pero ang totoo 11 to 13 lang kilo ng bilihan ng palay…press release lang yan pampaganda ba ng emahe ng ahensiya niya,” sabi ni Dennis Agulto Santos sa post sa official FB account ni Dar.

“Fake news,” naman ang hirit ni Vic Andres.

Sa Mindoro, bumagsak na sa P10 per kilo ang bigas, sabi ng netizen na si Prime Prime Prime. “Magsasaka magbenta ng palay 10 pesos per kilo [pero pag] magsasaka bumili ng bigas 55 ang kilo. Saan ang hustisya,” sabi niya.

Hinanakit ni Beth Ly, nag-14 pesos per kilo ang palay sa Cabiao, Nueva Ecija ngunit bumagsak na ito sa P11.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Saklap. Tapos ngayon bibili na naman ng binhi na P1,300 per sack na 40 kilos. Binhi pa lang ang mahal na…gising gising po sa mga nakaupo jan. tangkilikin ang sariling atin hindi puro kayo angkat ng bigas di naman bumabababa presyo,” sabi ni Ly.

Hirit pa ni Marivic Daga Siggaoat Abare, “Action po ang kailangan hindi ang press release.”

Sabi naman ni Nico V. Anozram, sa kanila, “11 pesos lang per kilo. Baka sa nag survey kayo before pa nagtag ani ng palay. Pero ang reality po sa ground hindi.”

Hamon pa ni Christopher Gloria Berin kay Dar, “Punta ka dito sa Rizal Nueva Ecija. 10 pesos per kilo. Magsabi kayo ng totoo. Walang 19 per kilo dito.”

Pahayag naman ni Federation of Free Farmers (FFF) national manager Raul Montemayor, nakalulungkot aniya ito imbes na tulungan umano ni Dar ang mga magsasakang nalulugi na sa pagsadsad ng presyo ng palay.

“He is also doing a disservice to President Duterte and the Filipino people by painting a rosy picture of a socially explosive situation affecting millions of desperate rice farmers amidst a pandemic,” sabi ni Montemayor. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.