Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sec Guevarra: Morales pinagre-resign ni Duterte

0 168

Pinagbibitiw na umano sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte si Ricardo Morales bilang presidente at CEO ng PhilHealth.

Ang nasabing hakbang ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra ay bilang pagsasaalang-alang ng Pangulo sa kalusugan ng PhilHealth top official.

SM food to go Banner Ad

“The president took note last night of Morales’ on-and-off health situation, and stated that it would be best for the latter and for PhilHealth to give up his post during these critical times for the agency,” saad ni Guevarra.

Si Morales ay nag-leave of absence sa kanyang tungkulin matapos ianunsyo na siya’y sumasailalim sa chemotherapy dahil sa lymphoma.

Hindi na rin ito nakakadalo sa pagdinig ng Senado at Kongreso ukol sa umano’y korapsyon sa PhilHealth bilang pagsunod sa abiso ng kanyang doktor. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.