Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SEC nagbabala laban sa 3 pyramiding scam

0 424

Inabisuhan ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang publiko laban sa pag-invest sa Royale Online Generation (ROG), Ecolife Biz/iShared Ecolife o iShared Technologies, at Maxi Trendy Sales Corp. o Trendy Unlimited Trading Corporation.

Ayon sa Enforcement and Investor Protection Department ng SEC, ang ROG ang bagong pangalan ng Rcashonline na siyang tinutukoy sa nauna nang advisory ng komisyon para paalalahanan din ang publiko na huwag paglagyan ng investment.

Sabi ng SEC, hindi rehistrado sa komisyon ang ROG na ang raket ay pyramiding dahil ang kikitain ng mga tao ay depende sa dami rin ng tao na kanilang ire-recruit.

Hindi rin rehistrado sa komisyon ang Ecolife Biz o iSHared Ecolife o iShared Technologies Ecolife at wala rin itong lisensiya para mag-alok ng investment sa publiko. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.