Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SEC nagbabala sa Lucky Likers scam

0 417

Naglabas ng babala ang Securities and Exchange Commission (SEC) laban sa Lucky Likers Digital Marketing Services na nagpapakilala sa social media bilang Lucky Likers Club o LLC na pinamumunuan ng isang Al Franzis Mateo Bragais.

Sa advisory na inilabas noong July 21, pinayuhan ng SEC ang publiko na huwag mag-invest o magpupundar ng ipon sa Lucky Likers Digital Marketing Services at mag-ingat sa sinomang pumopronta para dito dahil wala itong permit para mag-alok o magbenta ng investment sa publiko.

Matagal nang nagbababala ang SEC sa mga tao na huwag magpapauto sa mga scam kung saan kapag masyadong maganda ang inaalok sa iyo, malamang may halong panloloko dito.

Nananawagan ang SEC sa sinomang may impormasyon tungkol sa Lucky Likers Club na tumawag sa Enforcement and Investor Protection Department sa mga numerong 02-8818-6047 o mag-email sa epd@sec.gov.ph. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.