Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SEC nagbabala vs 5 investment company

0 134

Pinag-iingat ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang publiko laban sa pag-iinvest sa limang kompanya, kabilang ang Maxxprofit Computer Trading, Alisurvey Advertisement Marketing Services, Cubebit 2.0 o Cubebit Philippines, Extremebot Corporation, at Greenlift Wellness Products Trading.

Ayon sa SEC, walang lisensiya ang mga nasabing kompanya para mag-solicit ng investment sa publiko.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Mistulang pyramiding o ponzi scheme umano ang Mazzprofit, Alisurvey, Cubebit, Extremebot at Greenlift dahil ang malaking kitang pinapangako ng mga ito at ginagarantiya ay manggagaling lamang sa mga bagong miyembro na ire-recruit ng magi-invest.

Ayon sa SEC, huwag basta-bastang ipagkakatiwala ang kanilang mga pinaghirapang ipon sa mga nag-aalok ng malalaking kita. Giit nito, kapag sobrang laki ng pinangakong kita, malaki ang pagkakataong niraraket nito ang tao. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.