Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SEC nagbabala vs Francis Leo Marcos

0 815

Itinanggi ng Securities and Exchange Commission na rehistrado bilang korporasyon ang Francis Leo Marcos Family Club Incorporated ng isang nagpapakilalang Francis Leo A. Marcos o Norman A. Mangusin para kumalap ng donasyon sa publiko nang walang pahintulot ng Department of Social Work and Development.

Ayon sa SEC, si Marcos ay tinutulungan ng ibang mga tao para humingi ng donasyon sa mga overseas Filipino worker.

Kinilala ng SEC ang mga taong kasabwat ni Marcos bilang sina Yhama Tan o Joncho Tan, Acey Gutierrez, Luannne Peñano, Mary ‘Victoria’ Sanvictores, Alyssa Dee, Eduveges ‘Dong’ Batalan, Mark John ‘Mac mac’ Pablo, Rommel ng Lemmor Creation at iba pa.

Nagbabala ang SEC sa publiko na mag-ingat kay Marcos at sa mga nanghihingi ng donasyon para sa ‘family club’ nito. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.