Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sec Puyat sa mga hotel: Huwag kayong suwapang

0 94

Binigyang-diin ni Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na bawal pagsamahin ang mga staycation guest at mga naka-quarantine sa iisang pasilidad.

“Common sense lang naman na ‘wag mag-mix di ba? Makonsensiya naman kayo. You are endangering ‘yong mga guests ninyo,” pahayag ni Puyat.

“Iyong mga gusto doon na walang kamuwang-muwang, gusto lang mag-enjoy ng hotel hindi sila magkapag-out of town, gusto makasama ang loved ones, at the same time, may nag-qua-quarantine, I think kasuwapangan na ‘yan,” dagdag pa niya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Aniya, mas lalong maghihipit ang Department of Tourism (DOT) sa pagpapatupad ng mga health at safety protocol sa mga hotel.

“Now kung kailangan mangyari sa ibang hotel ‘yung nangyari sa City Garden, kailangan natin gawin because we have to be strict in implementing health and safety protocols pero syempre iba iba offense, iba iba rin ang desisyon ng DOT,” aniya.

Kahapon lamang nang suspendihin ng DOT ang operasyon ng City Garden Grand Hotel sa Makati City matapos itong tumanggap ng mga staycation guest kahit na quarantine facility ito.

Sa bathtub ng naturang hotel natagpuang wala ng buhay ang flight attendant na si Christine Dacera noong Bagong Taon. (Vienne Angeles)

Leave A Reply

Your email address will not be published.