Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Second chance’ kay Elisse, inamin ni McCoy

0 108

ROMMEL PLACENTE: Alam naman natin mga ka-Cuatros na naging loveteam at magkarelasyon noon sina Elisse Joson at McCoy de Leon,di ba? Nabuwag lang ang loveteam nila nang maghiwalay sila. Pero nagkabalikan pala ang dalawa,huh!

Sa isang interview kasi kay McCoy ay natanong siya kung kumusta ang kanyang lovelife ngayong pandemic. Ang sagot niya na natatawa,”Masaya naman.Hindi naman na-virus.Ayun masaya,wala akong masabi roon Lahat naman ng bagay,siyempre napapagdaanan,may ups and down.Pero ngayon,sobrang happy po ako ngayong pandemya.”

Sundot na tanong kay McCoy,kung nagkabalikan na ba sila ni Elisse?

“Opo!Yes po! Open naman po kami sa lahat,” buong ningning na pag-amin ni McCoy.

Kung ganyang nagkabalikan sina McCoy at Elisse,ibig sabihin ay mahal pa rin nila ang isa’t-isa.

Ang sinasabing dahilan ng hiwalayan nila noon, ay ang pagiging Mama’s boy diumano ni McCoy.Na hindi raw nagustuhan ni Elisse, kaya nakipaghiwalay siya rito.

May balita nga na noon na magkasama ang dalawa. Ayaw pa sanang pauwiin ni Elisse si McCoy dahil may importante pa sana silang gagawin, ay umuwi pa rin ang binata. Pinapauwi na raw kasi ito ng kanyang ina.Hurt siyempre si Elisse.

Sana this time, ay ipapakita ni McCoy kay Elisse na hindi na siya magiging Mama’s boy. Or else, baka maghiwalay uli sila.

ERMAT NI ELISSE, DI PA SINUYO

MILDRED A. BACUD:More than a year or before pandemic pa talaga nagkabalikan sina McCoy de Leon at Elisse Joson. Alam namin na hindi sang-ayon ang ina ng aktres sa balikang ito. Ang reason na nakarating sa amin ay sa post lang daw nakita ng doktorang ina ni Elisse na nagkabalikan pala sila. Hindi man lang daw nagpaalam sa kaniya ang aktor. Mula nga nang magkabalikan ang dalawa ay napansin naming hindi na naging aktibo kaniyang social media account si Dra. Barbara.

Ka-cuatros na Roldan napanood ko sa YouTube channel mo ang interview ni’yo kay McCoy .Dito ay natanong siya tungkol kay Elisse at sa ina nito. Natanong sa kaniya na nagkaroon tuloy ng tampuhan ang mag-ina dahil sa kaniya. Sagot ni McCoy, ” Siguro lahat naman tayo tumatanda. Siguro may timing, may panahon din. Bilang matanda, nandun pa rin yung malaking respeto ko. Kahit anong mangyari at habang buhay di mawawala ang respeto ko. “

SM SuperKidsDay Banner Ad

Inamin niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkakausap ng ina ng nobya. Naiintindihan naman niya ang pagiging protective ng ina. Dalawa lang silang nabuhay simula’t sapul. Basta ang masasabi na lang daw ng aktor ay happy siya.

Ang payo ko lang mga ka-Cuatros kay McCoy ay mag-effort talaga siyang suyuin ang ina ni Elisse. Pasasaan ba’t magiging ok rin sila. Puntahan niya ito at harapin.

MCLISSE , JESA RIGODON TINAWANAN NG AKTOR

RODEL FERNANDO: In the news ngayon ngayon ang lovelife nina Jerome Ponce at ni Sachzna Laparan. Si Jerome ay dating boyfriend ni Elisse na ngayon ay girlfriend na ni McCoy . Si Sachzna ay ex ni McCoy na dyowa ngayon ni Jerome.

Of course, kapag iniinterbyu ang binata ay hindi puwedeng hindi mabanggit ang pangalang nina Jerome at Saczhna na naiugnay nga dati sa kaniyang kasintahan.

Ngayong masaya na si Jerome sa piling ni Sachzna ay walang ibang hangad ang binata kung hindi ang maging masaya sila. Aniya sa interbyu ng ka-Cuatros nating si Roldan, “Tawanan na lang natin. Hndi naman tayo sa posisyon para magdikta.”

Sa totoo lang, positibo ang pananaw ni McCoy dahil kung sakaling mang may hindi magandang pinagdaanan si Elisse kay Jerome ay deadma na siya sigurado rito. Basta ang sabi niya ay dapat happy na lang ang lahat at hindi na kailangang magsabi ng anupaman lalo na ang masasamang bagay kung mayroon man.

ROLDAN CASTRO: Nakatsikahan namin si McCoy sa meet and greet nila ni Xian Lim kay Mayor Isko Moreno. Si McCoy ang gaganap na young Isko sa pelikulang Yorme.

Open na ngayon ang young actor pagdating sa balikan nila ni Elisse. Alam na rin daw niya ang pagkakamali niya dati na kailangang ituwid para maging matatag ang relasyon nila.

Wish nga niya ay makatrabaho ulit ang young actress at makasama. Hindi na lang dahil sa fame kung hindi nami-miss niya itong katrabaho.

Medyo imposible pa ngayon dahil under Viva siya at si Elisse ay hawak pa rin ng Star Magic.

Leave A Reply

Your email address will not be published.