Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Second chance ng drug leader di umubra

0 233

Sa ikalawang pagkakataon, hindi na pinalad ang umano ay leader ng isang drug group matapos na ito ay mapatay sa isa pang engkwentro sa Batangas City nitong Biyernes ng gabi.

Dead on the spot ang suspek na si Mark Anthony Almazan aka Michael Almazan, matapos makipagbarilan sa mga tauhan ng Sta Rosa City, Laguna police at Batangas PNP alas-10:30 ng gabi.

Si Almazan, na umano ay leader ng Almazan drug group ay natunton ng mga awtoridad sa pinagtataguan nito sa Brgy. Pallocan East, Batangas City matapos makalusot sa buy-bust operation na nauwi rin sa engkwentro sa Sitio Bayongan, Barangay Kaong, Silang, Cavite, noong Huwebes ng umaga.

Napatay sa nasabing engkwentro ang isang kasama nito na isang alyas Omlo na hinabol ng mga awtoridad nang magtangkang tumakas.

Una na ring naaresto ang dalawa pang miyembro ng grupo na sina alyas Bokni at alias Vito.

Ayon sa mga pulis, katulad ng unang pangyayari muling tumangging sumuko si Almazan at sa halip ay nakipagbarilan na nauwi sa maagang kamatayan nito. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.