Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Second floor gustong patituluhan

0 66

Hello Attorney Claire,

Good day! Ask ko lang po me bahay and lupa ang biyenan ko sa Bicol balak po sana namin na ipagawa yung 2nd floor. Pero posible po mapagawan ng titulo yun bahay na yun sa pangalan namin?

If ever naman may second option kami yun parte ng lupa ng byenan ko sa likod balak namin ipasok sa pag ibig as lot purchase and yun makuha dun ang gagawin namin pampagawa ng bahay. Pwede po ba yun ipasok sa Pag- ibig as lot purchase na deed of sale lang ng parte ng lupa kasi me mother title sya na hawak ng inlaws ko para sa kabuuan?

Salamat po ng marami.

Regards,

SM food to go Banner Ad

Recel

Ms. Racel,

Kung ibebenta yung lupa sa inyo, walang problema ang pagpapatitulo sa pangalan ninyo. Pero kung papayagan lang naman kayong magpatayo ng 2nd floor ay huwag na ninyong isipin na angkinin ito nang hindi naman talaga ninyo binibili.

Yung lot sa likod na pag-aari rin ng biyenan mo ay maaari mong bilhin sa kanya sa pamamagitan ng pag loan ss PAG IBIG. Problema dyan ay hindi pa naman nakarehistro sa biyenan mo ay hindi iyan tatanggapin ng PAG IBIG para sa real estate mortgage. Dapat malinis ang titulo at walang problema. Kung ang titulo ay hindi pa nahahati o na partition at ang lupang nais mo ay parte pa ng isang mother title ay dapat ka pa munang magpa-survey at ma-partition ang lupang nais mo. Dapat kayong makipag ugnayan sa PAG IBIG upang masimulan ninyo ang proseso.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 8922 02 45 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com. Please subscribe to Ito ang Batas with Atty. Claire Castro YouTube channel.

Leave A Reply

Your email address will not be published.