Abante Tonite Interactive

Second round ng cash assistance sa mga manggagawa, irerekomenda sa ECQ extension

679

Ihihirit ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases ang second round ng cash assistance sakaling ma-extend ang ipinatutupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Inihayag ito ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa Laging Handa press briefing sa harap ng posibilidad na mapalawig pa ang lockdown dahil sa patuloy na pagtaas ng mga tinatamaan ng coronavirus disease 2019.

Ang cash assistance na tinawag na Covid Adjustment Measure Program (CAMP) ay pakikinabangan ng maraming manggagawa sa pribadong sektor na nawalan ng pansamantalang pagkakitaan dahil sa lockdown.

Bahala aniya ang IATF kung aaprubahan o hindi ang kanilang rekomendasyon para sa kapakanan ng mga manggagawa.

“Kapag nagkaroon ng extension itong ecq, the Department of Labor will recommend for the extension of the program of cash assistance or we call it Covid Adjustment Measure Program(CAMP). Irerekomend po namin at depende na po ito sa desisyon ng IATF,” ani Bello.

Kaugnay naman sa reklamo ng mga employer na mabagal ang pagbibigay tulong sa ilalim ng compensation program sa kanilang mga empleyado, sinabi ni Bello na tawagan ang kanilang hotline na #1349 at iparating ang reklamo makalampag ang kanilang Local Bureau of Employment.

Reklamo ng mga employer na maagang nag-submit ng kanilang requirements sa DOLE, wala pang abiso kahit man lang sa email kung kailan nila matatanggap ang tulong mula sa gobyerno.( Aileen Taliping)

Tonite – Wendys Inhouse Ad