Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Second wave binabala sa luwag biyahe, negosyo

0 63

Unti-unti nang binabawasan ng gobyerno ang mga restriction sa ika-8 buwan mula nang ipatupad ang community quarantine sa bansa.

Ngunit para kay Senate Majority Leader Miguel Zubiri, hindi pa rin maaalis ang pangamba dahil gumagapang pa rin ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa ‘Pilipinas.

Isa si Zubiri sa mga tinuturing na COVID-19 survivor matapos siyang tamaan ng coronavirus noong Marso.

“Ako patient 142 ako, isa ako sa mga nauna sa lahat ng 300 plus thousand, nakakatakot talaga. Ang nakakatakot diyan baka mag-surge mula ang numero natin,” lahad ni Zubiri sa panayam sa radyo kaugnay sa pagluluwag ng gobyerno sa mga nilatag na quarantine measure para makontrol ang pagkalat ng virus. “Nakakatakot mag-fully open tayo ngayon, although naiintindihan ko naman kawawa rin ang ekonomiya,” dagdag nito.

Sa mga nagdaang araw, ilan naman sa mga muling pinayagan ng gobyerno ay ang pagbiyahe patungong ibang bansa, pagpunta mula general community quarantine (GCQ) at modified GCQ area kahit walang travel permit, pagbawas ng distansya sa mga public transportation at pagbabalik ng sabong. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.