Abante Tonite Interactive

Secret baby ng sikat na aktor walang ‘resibo’

1,356

Parang malapit na kaming ma-convince na totoo ang tsikang na­nganak na ang isang drama actress (DA) na napabalitang nagdadalantao.

Nai-blind item na namin ‘yon dito matapos i-tip ng isa naming source na nagsilang na raw sa isang kilalang ospital dito sa Metro Manila si DA.

Hindi kami kumbinsido dahil wala namang ‘resibo’ o pruweba na totoo nga ang claim na ‘yon.

Highly confidential daw kasi ang kaso ni DA at mga bigating tao umano ng nasabing ospital ang nag-facilitate ng panganganak nito.

Pagkatapos ng insider tip na ‘yon ng aming source #1 (S1), heto’t meron kaming isa pang source o source #2 (S2) na nagchika sa amin na kumpirmadong nanganak na raw si DA.

At ang interesting sa kuwento ni S2, magkapareho sila ng ospital na binabanggit ni S1.

Ayon kay S2, doktor ang kanyang kapatid at meron itong doctor friend na nagkumpirma na doon nga raw sa ospital na ‘yon nanganak si DA.

So, bale dalawa na ‘yung source namin na totally magkaiba at totally hindi magkakilala na nagsasabing nagsilang ng baby si DA sa naturang ospital.

Kalerky, napakahusay naman ng mga taong kakun­tsaba ni DA kung totoo ngang nakapagsilang na ito sa ospital na ‘yon, na wala man lang ni isang nakakita at nagawa nilang ilihim ‘yon sa lahat.

Sa gitna ng mga bulung-bulungan na ito ay nananati­ling tahimik ang sinasabing ama ng sanggol na isinilang ni DA na isang sikat na aktor (SA).

Ni walang nangangahas magtanong kay SA kung totoo nga na isa na siyang ama.

Ang narinig naming chika ay meron daw kumakalat na picture ni SA na nakasuot ito ng scrubs (tawag sa hygienic clothing na sinusuot ng mga hospital staff) at may karga-karga raw itong baby.

Hindi pa namin nakikita ang nasabing larawan, so hindi namin sure kung patunay nga ‘yon na may anak na sina DA at SA.

Puwede rin naman kasing kuha lang ‘yon sa isang eksena sa teleserye o sa pelikula, so mahirap ding mag-conclude kaagad.

Abang-abang na lang talaga tayo kung kailan puputok ang katotohanan sa sinasabing secret baby nina DA at SA. PAK!!
***

Edward kalahati ng buhay ang mawawala kay Maymay

Napatili sa tuwa si Maymay Entrata sa video na pinost ni Roxy Liquigan ng Star Cinema na ina-announce nitong kasali siya sa movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Sobrang excited daw si Maymay dahil kakaiba ‘yung istorya ng KathDen movie at kakaiba ang suporta na gagawin niya rito kay Kathryn.

Although nag-support na raw siya kay Kath sa “La Luna Sangre,” nae-excite pa rin daw siya sa movie.

Nagpasalamat din ang 21-anyos na Kapamilya young actress kay Direk Cathy Garcia-Molina sa pagsang-ayon nito na isama siya sa cast ng pelikula dahil malaking oportunidad daw ito para sa kanya.

Mga 3 weeks na mawawala si Maymay para sa shoot nila ng movie sa Hong Kong.
Ma-miss siya ng ka-loveteam niyang si Edward Barber.

Nang tanungin ni Roxy kung anong nararamdaman ni Edward na mawawala nang ganu’n katagal si Maymay, ang sagot ni Edward ay parang mawawala ang kalahati ng buhay nito.

Soulmate daw kasi ni Edward si Maymay, kaya ganu’n ang kanyang pakiramdam.
Pa-girl naman ang halatang kinilig na si Maymay, na tinakpan pa ang bibig ni Edward para huwag marinig ng iba ang gusto nitong sabihin.

Mukhang first week of April ang lipad ni Maymay pa-Hong Kong.

Hindi pa raw sure si Edward kung makakadalaw ito sa shoot sa HK.

Holy Week daw ‘yon, so baka puwede, pero hindi pa rin nila sure pareho kung mangyayari nga ‘yon.

Isa pa sa kumpirmadong kasama sa gagawing OFW movie nina Kath & Alden sa HK ay si Joross Gamboa, na paboritong isama ni Direk Cathy sa mga pelikula nito.