Abante Tonite Interactive

Secret balloting ng party-list bloc sa Speakership tuloy

428

Tuloy ang secret balloting ng 54-man Party-list Coalition Foundation Inc. (PCFI) sa Miyerkoles upang makapili nang susuportahang kandidato sa House Speakership.

Nakatakda umanong magpulong para magbotohan ang pangalawa sa pinakamalaking bloc sa Kamara de Representante sa isang hotel sa Metro Manila sa June 19 sa gitna ng mga spekulasyon na sinusportahan umano ni PCFI President and 1-Pacman Party-list Rep. Mikee Romero ang Speakership bid ni reelected Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Umani ng magkakaibang reaksyon sa loob ng PCFI ang hindi sinasadyang mensahe nito sa Viber group na si Velasco ang napili nitong suportahan bilang lider ng Kamara.

Ang screenshot ng nasabing usapan sa Viber group ay kumalat sa ibat ibang social media flatforms noong hatinggabi ng Huwebes .

Gayunman, walang kumpirmasyon mula kay Romero kung si Velasco ang kanyang sususportahan na House Speaker sa18th Congress, bagamat sinabi nito na isa lang kanyang iboboto. (JC Cahinhinan)