Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Secret ni Korina buking na

0 445

NI: ROLDAN CASTRO

Bumata at lalong gumanda si Korina Sanchez sa mga bago niyang larawan na ipinakita sa launching bilang official na ambassador ng Beautederm . Ano ang sikreto niya?

Actually, matapos ang halos dalawang taon ng pagsasaliksik at aktwal na testing kay Korina, tapos na sa wakas ang matagal na paghihintay. Maaari na ngayong i-reveal ni Ate Koring ang isa sa kanyang mga best kept secrets na kanyang pinaniniwalaan na pinakamalapit sa Fountain Of Youth.

“Madami ang nagtatanong kung bakit mukha akong bata para sa sa aking edad. Well, K-llagen is a healthy and delicious collagen drink that I take every day,” sabi ni Korina.

“I am extremely proud to be part of this collaboration between Beautéderm and myself,” sambit pa niya.

Anyway, ipinagdiriwang ng Beautéderm Corporation ang ika-11 anibersaryo nito sa isang kolaborasyon kasama ang veteran broadcast journalist na si Korina Sanchez-Roxas. Ito’y sa pamamagitan ng isang sensational at bagong produkto– ang Slender Sips K-llagen Collagen Drink.

Ang collagen ay isang essential supplement na dahilan kung bakit rejuvenated ang ating katawan internally at externally. Collagen preserves and promotes youth of the organs at kasama na dito ang kutis and ang buhok.

Distrubuted ang Slender Sips K-llagen Collagen Drink ng RD Healthy Living Corporation na sister company ng Beautéderm.

Ang President and CEO ng kompanya na si Rhea Anicoche-Tan naman ay labis ang kaligayahan na makasama si Korina sa Beautéderm family.

“I welcome Ms. K with open arms and a happy heart,” lahad ni Miss Rei.

“Idol ko siya. Mahal na mahal ko siya at grateful ako sa aming friendship at sa kanyang tiwala. This is so exciting. The drink currently has a strawberry milkshake flavor and we will launch other flavors in the months to come. Malaking karangalan na si Ma’am Korina ang nare-represent sa produkto naming ito,” deklara niya.

 

Leave A Reply

Your email address will not be published.