Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Secret weapon laban sa pandemya

0 424

Sa patuloy nating pakikipaglaban upang masugpo ang COVID-19, ang secret weapon ng Taguig ay hindi lamang ang mga makabagong ospital kundi ang mga health centers na itinayo sa bawat barangay ng lungsod.

Ang paglaban sa pandemya at pagtugon sa pangangailangang medikal ng mga Taguigeño ay matatag lalo na sa mga barangay dahil ang mga opisyal at mga pasilidad nila ang nagsisilbing first line of defense laban sa COVID-19 at iba pang sakit.

Ang Taguig ay mayroong 31 health centers at 3 super health centers at lahat ng ito ay accredited ng PhilHealth. Bawat health center ay may mga doktor at nurse na naka-duty at handang tumugon sa medikal na pangangailangan ng ating mga kababayan. Bukod pa rito ay may libreng pagbabakuna sa mga sanggol, dentista na pumupunta kada linggo, at iba pang programa tulad ng breast cancer at cervical cancer screenings, pre-natal at maternal healthcare at family planning programs.

Ang tatlo namang super health centers sa North Signal, Napindan, at Central Bicutan ay mayroong lying-in clinic o paanakan, medical laboratory, emergency ambulance sa pag-transport ng pasyente sa Taguig-Pateros District Hospital (TPDH) at animal bite center. Tinagurian itong “Mini Hospitals” dahil kaya nitong magbigay ng medikal na serbisyo gaya ng minor emergencies na katulad ng mga ospital.

Dahil kumpleto at sumailalim din sa masusing training ang mga doktor at nurse sa bawat health center, lahat ay may kapasidad na magsagawa ng RT-PCR tests para sa COVID-19. Ang mga health centers ang secret weapon ng lungsod laban sa pandemya.

Bukod sa tatlong drive-thru sites sa BGC, Lakeshore, at Park n Test sa Vista Mall, may 34 pang ibang lugar na mapupuntahan ang mga Taguigeño at mga nagtatrabaho sa lungsod para sa libreng RT-PCR testing.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dahil ang Metro Manila ay patuloy na sumasailalim sa community quarantine, maaari nang magpakonsulta online o sa pamamagitan ng text o tawag ang mga residente ng lungsod na outpatients at non-emergency cases sa Telemedicine program. Agad na itinatag ang programa noong March 2020 kaya’t naging mas madali ang pagkonsulta sa doktor sa pamamagitan ng Taguig Telemedicine. Konektado online ang bawat health center at mga doktor para mas mabilis at ligtas ang pagpapakonsulta ng mga Taguigueño.

Ang mga health centers sa Taguig at ang kani-kanilang Telemedicine ay kayang magbigay ng primary health care services para sa out-patients upang hindi na nila kailangang pumunta sa ospital. Makakatulong ito na ma-decongest ang ating mga ospital at gawing prayoridad ang mga mas komplikadong kaso ng mga pasyente lalo na ang mga nagkakasakit dahil sa COVID-19.

Katuwang ng mga doktor at nurse ang mga barangay health workers o BHWs upang maayos na mapatakbo ang mga health centers. Bilang pagpapahalaga at pasasalamat sa kanilang serbisyo, ang mga BHWs na karaniwang tumatanggap ng allowance na P2,000 hanggang P4,000 kada buwan, ay ginawang Job Order ang employment at sumasahod ng P8,000 hanggang P11,000 kada buwan.

Upang mapanatili ang magandang kalidad ng public healthcare services sa Taguig, kaakibat ng lokal na pamahalaan ang 914 na BHWs sa lungsod. Para sa halos 1,000 na Taguigeño ay may isang BHW na handang tumugon sa kanilang medikal na pangangailangan.

Ang susi sa pagtapos ng pandemya ay hindi lamang pagtugon sa mga pangangailangan ng malalaking ospital. Susi rin ang pagpapatibay, pagsasaayos at pagpapaganda ng mga serbisyo at pasilidad ng ating mga health centers.

Malaki ang gampanin ng bawat komunidad sa panahong ito. Napakahalaga ng maigting na koordinasyon at tulungan sa pagitan ng lokal na pamahalaan at mga kawani ng barangay upang matugunan ang mga pagsubok na dulot ng pandemya. Sa ating mga barangay nagsisimula ang daan patungo sa tagumpay natin sa laban sa COVID-19.

Leave A Reply

Your email address will not be published.