Abante Tonite Interactive

Secretary gustong litsunin ng appointee

528

Naging tampulan ng katatawanan ang isang miyembro ng gabinete sa isang biyahe sa abroad.

Nakasabay kasi sa biyahe ni Mr. Secretary ang hindi kasundong appointee at nag-iiwasan sila hanggang sa makarating sa pinuntahang bansa . Maging sa ilang aktibidad kung saan kasama sila ni Pangulong Duterte ay dedmahan ang peg ng cabinet secretary at ang presidential appointee.

Habang naghihintay sa isang aktibidad ng Presidente ay nakipagkuwentuhan itong si appointee sa mga kaibigang miron hanggang sa dumating si mr. Secretary na agad namang inginuso ng mga miron.

Natatawang naiinis si Presidential appointee kay cabinet secretary at naibulalas na lamang na kung puwede lang litsunin ang kaaway ay ginawa na niya ito.

Clue: Ang presidential appointee ay kilalang astig pero natalo naman sa suntukan noon, habang ang cabinet secretary ay kilalang malakas sa Presidente.