Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Security kay Sara dapat lang

0 165

Naging pulutan na naman si incoming Vice President Sara Duterte sa pagbibigay sa kanya ng sariling security group.

Ito ay matapos I-activate ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Vice Presidential Security and Protection Group (VPSPG) na magbibigay proteksiyon kay Sara.

Ang VPSPG ay mistulang counterpart na ng Presidential Security Group (PSG).

Hindi ito hininging kapritso ni Inday Sara dahil mismong ang AFP ayon sa incoming VP ang nagtulak nito para mabigyan sya ng seguridad.

Pinalad lang si VP-elect Sara dahil siya ang unang benepisyaryo.

Ibig sabihin nito lahat ng susunod na VP ng bansa ay bibigyan na ng sariling security.

Kaya huwag na sanang ‘ampalaya’ ang mga kritiko ng Bise Presidente dahil bahagi ng pagiging opisyal ng gobyerno ang ganitong mga prebelihiyo.

Bukod pa sa hindi lang pagtupad bilang Bise Presidente ang papel ni Inday Sara simula sa June 30 dahil iniluklok din siyang kalihim ng Department of Education (DepEd) na nangangailangan ng mas maraming panahon sa loob at labas ng kanyang tanggapan.

Marami nga diyan local government officials lang pero sandamakmak ang security na bitbit sa mga personal gatherings.

Kaya sa tingin ko hindi dapat gawin itong big deal ng mga kritiko ng mga Duterte.

Sa sipag ni VP-elect Sara na nasaksihan naman natin sa kanyang panunungkulan sa Davao ay nakatitiyak tayong mas matindi pang serbisyo o paglilingkod ang ihahatid niya sa sambayanang Pilipino.

Ang pinakamainam na gawin nating lahat ay ibigay ang suporta kay VP-elect Sara at sa lahat ng nanalo sa nakalipas na halalan para makabangon na ang bansa mula sa pandemya at ang epekto sa ating ekonomiya ng girian ng Russia at Ukraine.

Higit sa lahat ay hindi naman magkakaroon ng katuparan ang isinusulong na sariling security ng Bise Presidente kung walang basbas ang incoming President Ferdinand Marcos Jr.

Kung binibigyan ng proteksiyon ng estado ang Pangulo ng bansa marapat din itong ipagkaloob sa Bise Presidente na ibinoto ng mayorya ng mga Pilipino!

Leave A Reply

Your email address will not be published.