Abante Tonite Interactive

Seguridad ng ‘Pinas nasa peligro — US

786

Sa ginawang pagkansela ng Pilipinas sa Visiting Forces Agreement (VFA), nalagay umano sa peligro ang may 300 mga bilate­ral engagement and exercise na banta sa seguridad ng bansa, ayon sa isang US official.

Sa isang telephonic press briefing, binigyang-diin ni US Assistant Secretary of State for Political-Military Affairs Clarke Cooper ang kahalagahan ng taunang military to military engagement na idinadaos sa bansa.

“There is a significant amount of resources that had been invested in that bilateral relationship, and putting at risk–I don’t think anyone in the government of the Philippines would want to put at risk the numerous engagements,” sabi pa nito.

Magkakaroon umano ng Bilateral Strategic Dialogue ang Pilipinas at Amerika sa Marso kung saan pag-uusapan ang mga commitment ng dalawang bansa kasama ang tungkol sa VFA.

Sa kabilang dako, naniniwala naman si Senador Panfilo Lacson na magiging isa na lang paper treaty ang Mutual Defense Treaty (MDT) sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

“Like it or not, bad or good, nothing much can be done now but do a 180-day countdown upon receipt of the notice by Washington,” sabi ni Lacson, chairman ng Senate Committee on Defense.

“What is certain is that the 1951 PH-US Mutual Defense Treaty will now be reduced to a mere paper treaty as far as the U.S. is concerned,” dagdag pa nito.

Sa ilalim kasi ng VFA, pinapayagan nito ang dalawang bansa na gawin ang kanilang obligation sa ilalim ng MDT na nagmamandato sa dalawang magkaal­yadong bansa na suportahan ang isa’t-isa sakaling magkaroon ng pag-atake sa kanilang mga bansa. (Dindong Mati­ning/Eralyn Prado)