Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Seguridad sa Edsa people power kasado na

0 41

Kasado na ang gagawing security preparation ng pulisya sa darating na ika-35 anibersaryo ng Edsa People Power sa Pebrero 25, ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Police Major Gen. Vicente Danao Jr.

Ayon kay Danao, pinaalalahanan niya ang kanyang mga District Directors na i-maximize ang presesnya ng kanilang mga tauhan gayundin ang patuloy na pagpapatupad ng istriktong health protocols dahil sa patuloy na banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa nasabing pagtitipon.

SM food to go Banner Ad

“Security preparations, coordinations and necessary deployments were set in place as the nation commemorates the unity of Filipino people who have shown the world of the true spirit of a ‘non-violent demonstration’,” pahayag ni Danao sa kanyang mensahe sa mga reporters. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.