Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Seguridad sa mga sementeryo, hinigpitan

0 241

Hinigpitan na ang seguridad na ipinatutupad ng Manila Police District (MPD) sa bukana ng Manila North at Manila South Cemetery dahil sa pagdami na ng mga tao na gustong makadalaw sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay bago ito isara sa Oktubre 28 hanggang Nobyembre 3.

Mahigpit pang ipinatutupad ang “No facemask, No Face shield, No entry Policy” para makaiwas sa COVID-19.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ipinagbabawal din ang pagdadala ng matutulis na bagay, alak, inflammable materials at mga bata sa sementeryo.

Una nang manawagan si Manila Mayor Isko Moreno sa publiko na huwag gawing `last minute’ ang pagbisita sa namayapang mahal sa buhay dahil baka hindi sila makapasok sa sementeryo. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.