Abante Tonite Interactive

Seira Briones type makatrabaho si Sarah G

Tambayan Ng Tsika TONITE

By
404

Nag-guest sa ‘Tambayan ng Tsika’ Tonite ang online show ng Abante Tonite, ang baguhang singer na si Seira Briones, na isang Viva artist. She is only 16 years old, and a Filipino-Japanese.

Ang title ng unang single ni Seira ay ‘Ano Ba’, na puwede nang i-download sa iTunes at Spotify.

“Umaasa sila sa mga crush nila. ‘Yung parang ang lakas ng expectation nila sa crush nila, ganu’n,” paglalarawan ni Seira tungkol sa lyrics ng ‘Ano Ba’.

Sino ang nag-compose ng song?

“Binigay lang po ‘yun sa akin ng Viva. Sabi nila, pag-aralan ko lang daw. So ayun.”

Ikinuwento ni Seira kung paano siyang na-discover ng Viva.

“Sobrang bored po kasi ng buhay ko sa Japan. Parang ang ginagawa ko lang du’n, school, bahay, bahay, bahay, school, ganu’n. Naging libangan ko po ang gumawa ng music video. Tinry ko po ‘yung sikat na sikat na kanta noon na ‘May Tatlong Bibe’. After nu’n, Hala! Ang bilis ng shares, ng likes, ng views. Umabot siya ng million. Siyempre nakakatuwa. na naa-appreciate ng mga tao ‘yung ginagawa ko. Tapos ayun, nu’ng napanood ng Viva ‘yung video, kinontak na nila ako,”

Si Sarah Geronimo ang paboritong local singer ni Seira.

“Siyempre Sarah. ‘Pag narinig mo kasi ang pangalanga Sa­rah, magaling kumanta. At sobrang napaka-down to earth na babae, at ayun magaling din siyang sumayaw. Kaya nagustuhan ko siya”

Since pareho silang Viva artist ni Sarah, nagkaroon na ba ng chance na ma-meet niya ang Pop Princess?

“Yeah, na-meet ko na po siya,” sagot ni Seira.

“Pero ‘yung meet-up namin, hindi nangyari sa Viva office. Nakita ko lang siyang bumibili ng mineral water sa Family Mart. Nagpa-selfie ako sa kanya. Parang na-starstruck ako sa kanya. Si Sarah ba ‘yun? Simpleng-simple lang siya. Ang ganda niya sa personal.”

Dahil paboritong singer, wish ni Seira na makasama sa isang concert si Sarah.

Bukod kay Sarah, sino pa ang gusto niyang makasama sa concert?

“Gusto ko ring makasama sa stage sina James (Reid) at Nadine (Lustre), at si Regine (Velasquez) po,” sagot ni Seira.

Kakayanin ba niyang makipagsabayan kina James, Nadine at Regine?

“Kakayanin po,” mabilis niyang sagot na natatawa.

Bukod sa pagkanta, nasubukan na rin ni Seira na umarte. Nag-guest siya sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ na pinagbibidahan ni Coco Martin, at ‘Araw-Gabi’ na pinagbibidahan ni JM de Guzman.