Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sekretarya inumbag, sinabunutan ng dyowa

0 49

Kalaboso ang isang driver matapos gulpihin at sabunutan ang kinakasama kamakalawa ng madaling- araw sa Malate, Maynila.

Sinampahan ng kasong paglabag sa R.A.9262 (Violence against women and their children) ang suspek na si Marlon Emas Y Yco, 35, driver, ng 2251 Leveriza St., Malate.

Sa reklamo ni Rosechelle Rebutar, 35, secretary at taga-F. Yuseco St.,Tondo sa Manila Police District-Police Station 9, naganap umano ang insidente alas-2:30 ng madaling-araw sa bahay ng mag-live in.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nagtalo ang dalawa sa hindi pa malamang dahilan na humantong sa pagpalo sa ulo ng biktima ng helmet, ilang beses na pagsuntok sa ulo hanggang sinabunutan habang iniaakyat sa kanilang bahay.

Hindi pa nasiyahan, muling pinagsusuntok ang biktima na natigil lang nang awatin ng kanilang mga kaanak.

Nang ireklamo ay binitbit ng rumespondeng pulis ang suspek sa presinto. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.