Abante Tonite Interactive

Sekretarya nilasing saka ni-rape slay

974

By Jun Borlongan

Isang stay-in worker ang dinakip ng pulisya makaraang patayin sa sakal ang kanyang pinsang babae na sekretarya ng pinapasukan nilang kompanya matapos itong lasingin, reypin at nakawan sa Bulacan noong Linggo nang gabi.

Kinilala ni P/Lt. Col. Joel Aparejado, Guiguinto police chief, ang suspek na si Mark Jomari Serrano y Mariano alyas ‘MacMac’, stay-in worker sa Bunag Trucking Enterprises sa Brgy. Tiaong, Guiginto at tubong Nueva Ecija na umaming gumahasa at pumatay sa biktimang si Divina Garcia y Roque, 42, dalaga, stay-in secretary ng nasabing trucking company.

Ayon kay P/Cpl. Jayson P. Quidasol, alas-siyete nang gabi noong Hulyo 7 nang maganap ang insidente. Nagkatuwaang mag-inuman ang biktima, suspek at kanilang kasamahan sa compound ng kompanya sa Brgy. Tiaong, Guiguinto at nang malasing si Garcia ay nagpasya nang matulog.

Nakiusap naman ang suspek sa biktima na makikitulog. Dahil pinsan ay pinaunlakan nugnit nang makapasok sa kuwarto ay dito na ginahasa ang dalaga at pilit na kinukuha ang P53,000 na pera ng kompanya ngunit nang tumanggi ang dalaga ay dito na siya sinakal gamit ang legging.

Upang itago ang krimen ay isinakay ng suspek ang walang saplot na biktima sa kanyang traysikel at ibinaon sa tinatambakang bukid sa bypass road sakop ng Brgy. Caingin, San Rafael.

Idineklarang missing person ang biktima ngunit nadiskubre ng San Rafael police ang bahagya nang naagnas na katawan nito hanggang sa masakote ang suspek na umaming nagdodroga.