Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Seksing aktres nagpakamot ng kati sa leading man

0 97

Kapag pahinga ang trabaho ng produksiyon ay ‘yon ang pagkakataong nagiging Marites ang lahat. Babae, lalaki at becki, may kani-kanya silang naaalala kapag naka-break sila sa trabaho.

Ang iba sa kanila na may edad na ay saksi pa nga sa mga pinaggagagawang milagro ng mga personalidad. May hawak silang resibo.

May kuwento ang aming source, tungkol sa mga ganu’ng kuwento, ang una nitong paksa, “May isang sexy female personality nu’n na napakagaling pumaraan! Mainit kasi siya, parang kapag nag-iinit na ang katawan niya, e, kailangan niyang pakawalan ‘yon!

“So, habang break ang lahat, siya naman, e, gumagawa ng milagro. Yayayain niya ang leading man niya, sasakay sila sa car ng guy, mag-iikot lang sila.

“Nagtatanungan ang lahat kung nasaan sila, start na kasi uli ang trabaho, pero hindi sila makita. May magsasabi, ‘Umalis sila kanina, mag-iikot lang daw sila.’

“Maya-maya, darating na ang bumibida sa pelikula at ang leading man niya. parang pagod na pagod sila, pero parehong maaliwalas ang mukha, masaya sa ginawa nila.

“Magaling ang female personality, sa three movies na ginawa nila na may iba-ibang leading men, nandu’n ako. Nakita ko ‘yon, talagang maparaan ang girl!” unang kuwento ng aming impormante.

Day effect ang ikinuwento ng aming source, oras ng trabaho, pero nakakasingit siya ng paraan para mapakawalan ang init ng kanyang katawan.

Paano kapag dumarating ang gabi? Nasa malayong lugar sila, walang uwian, kailangang tapusin ang buong pelikula.

Kuwento uli ng aming source, “Mas maluwag ang galawan kapag gabi. Natural, niyayaya ng girl ang leading man niya sa cottage kung saan siya nakatira. Magdamag na sila du’n.

“Alangan namang naglaro lang sila ng chess? Alangan namang nagsungka lang sila? Kinabukasan, fresh na fresh ang magkapareha sa movie!

“E, sexy movie ang ginagawa nila. Kailangan pa ba silang sabihan ng instructions ni direk? Hindi na, nagawa na kasi nila ang lahat off cam! Alam na alam na nila ang gagawin!

SM food to go Banner Ad

“Ang nakakaloka lang, e, biglang nagbago na ang preference ng girl! Ayaw na niya sa lalaki, nagsawa kaya siya? Ang karelasyon niya kasi ngayon, e, isang tivoli na! Anyare?” tawa nang tawa ang aming impormante sa kanyang pagtatapos.

Ping, Tito suwabe ang tagasuporta

Hindi na tayo maiinip, ilang tulog at gising na lang, eleksiyon na. Nagkukumahog na ang mga politiko sa pangangampanya. Matindi ang laban kaya kailangang mas matindi ang kanilang galawan.

Tapos na raw ang eleksiyon, sabi ng isang kampo, huwag pakasiguro, sabi naman ng isa pa, dahil may nagaganap na milagro.

Matindi ang eleksiyon sa taong ito, pinag-iinit ng social media ang mga politiko, pati ang kanilang mga tagasuporta. Nag-aaway sila, nagpaparinigan, pare-pareho silang sensitibo.

Nag-aaway ngayon sina ____(pangalan ng lalaking personalidad) at ____(ang babaeng sangkot sa isyu. Nagkakapersonalan sila, samantalang dati ay magkakampi sila sa lahat ng laban. Nakakapanghinayang na pagkakaibigan.

Matindi ang laban ng mga Kakampink at BBM-Sara, napaksuwabe naman ng mga tagasuporta ni Senator Ping Lacson at ni Senate President Tito Sotto, sina Mayor Isko Moreno at Senator Manny Pacquiao ay nagpapakontrobersiyal.

Biro ng isang kaibigan namin, “Ganyanan nang ganyanan ang mga Kakampink at BBM-Sara. Paano kapag nagkaroon ng himala? Paano kung si Ka Leody de Guzman ang manalo?”

Ilang araw na lang ang kailangan nating ipaghintay. Painit nang painit ang labanan. Parunggitan nang prunggitan ang magkakalabang kampo.

Pakiramdadm nga ng mas nakararami ay hindi matatapos ang laban sa Mayo 9 lang. Siguradong magkakaroon pa ng aksiyon pagdating sa bilangan.

Ang demokrasya ay hindi lang sa pagboto kundi sa bilangan. Sabi nga, walang politikong Pilipinong natatalo, nadadaya lang.

Leave A Reply

Your email address will not be published.