Abante Tonite Interactive

Seksing balibolista gusto ay ‘bibingka’

1,427

Napakaganda at talagang pagnanasaan maski sinumang kala­lakihan na mapaibig at tuluyang maangkin ang puso ng napakaseksing sikat na volleyball player.

Minsan na tinangka ng isa ring sikat na pambansang atleta na masungkit ang pinakainaasam na matamis na oo ng balingkinitan na volleyball player subalit hindi pinagdugtong at pinagtagpo ni Kupido ang kanilang mga landas.

Marami pang iba ang nagnais na maging malapit kay volley star subalit hindi naging maaliwalas at maayos ang pakikitungo ni player.

Mas gusto ni volley star na laging kahalubilo kung hindi man ang kapwa nito player ay ang kapwa nito seksi at mga nagkukurbahan na mga kababaihan.

Minsan sa isang pagsasama ay tila hindi nakatiis ang ­volley star na niyakap nang mahigpit at halos paliguan ng halik ang walang kamali-malisya na bago nitong ­kaibigan.

Kaya naman pala ay natipuhan ni volley player ang ipinakilala dito na morena at makurbada ding kaibigan ng isa niyang kaibigan na player.

Ibang-iba din ang naging galaw ni volley star dahil naging panay ang yakap at hawak nito sa balakang ng bagong kaibigan.

Ayaw niya sa mga kalalakihan dahil ­“bibingka” at “monay” din pala ang hilig ni ­volleyball player.