Abante Tonite Interactive

Seksing opisyal lumapad ang katawan

558

Isa siya sa pinagpapantasyahang opisyal ng gobyerno.

Subalit ngayon ay nagbago na ang kurbada ng katawan ng magandang opisyal ng pamahalaan.

Lumapad daw kasi ang katawan ng hitad, animo’y galing sa honeymoon na pinupog ng kapartner. Eh paano ba naman kasi ay lumapad ang balakang ng opisyal, mistulang nagluwal ng bata gayung hindi naman ito nagmaternity leave.

Bukod dito, lumaki din ang dibdib ng opisyal bagama’t dati nang may kalakihan ang bumper nito.

Mukhang nahiyang daw ang opisyal sa bago nitong trabaho kaya’t lumapad ang katawan.

Clue: Ang dating seksing opisyal na lumapad na ang katawan ay hindi taga-Metro Manila. May letrang P sa kanyang pangalan as in Probinsiyana.