Abante Tonite Interactive

Seksing Sharon, makikita na

9

TONITE is the night! Masasaksihan na ang mega-sexy na Sharon Cuneta sa live semi-finals ng The Voice Kids Season 3.

Mamayang 7:15 PM at bukas nang 7:00 PM sa ABS-CBN.

Magtatagisan ang Top 9 artists para pumasok sa Top 3 na magbibiritan sa grand finale.

Sa unang pagkaka­taon ay kakanta sila para makuha ang boto ng publiko.

Sa FamiLea (Team Lea Salonga), palaban sina Yessha de la Calzada (three-chair turner, nangangarap maging Broadway singer), Joshua Oliveros (hangad mabuo muli ang pamilya) at Angel Peñaflor (mahusay sa astronomy).

Mula sa Kamp Kawayan (Team Bamboo), pasiklaban sina Justin Alva (returning artist, three-chair turner), Heart Salvador (inspirasyon ang yumaong ate) at Xylein Herrera (three-chair turner).

Mula sa Team Tala (Team Sharon Cuneta), kabugan sina Antonetthe Tismo (online sensation, three-chair turner), Alvin Dahan (three-chair turner) at JC Tan (nanggulat sa Sing-Offs).

Ang nag-iisang miyembro ng bawat team na makakakuha ng pinakamataas na porsiyento ng mga boto ang magtutunggali sa Grand Finals.