Abante Tonite Interactive

Sekyu kinatay ang kabaro dahil sa suweldo

By
2,287

Nagwakas sa madugong trahedya ang masayang inuman ng magkaibigang guwardiya makaraang barilin bago tagain ng isang security guard ang kanyang kapwa sekyu matapos na magtalo tungkol sa kanilang suweldo sa Quezon City, noong Biyernes ng hapon.

Kinilala ni P/Supt. Rodelio B. Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), ng Quezon City Police District (QCPD) ang biktima na si Manuel Trilles Valencia, 56-anyos, security guard ng Jericko Security Agency at residente ng No. 131 1B UNig North Hills Ville, Norzagaray Bulacan.

Siya ay namatay noon din sanhi ng tinamong tama ng bala ng twelve gauge shot gun sa kaliwang dibdib at tagain sa mismong pulso sa kaliwang kamay.

Agad namang tumakas ang suspek na nakilalang si Perfecto Zamora David, 54-anyos, security guard din ng nasabing agency at naninirahan sa Villa Beatriz Subd., Brgy. Old Balara, Quezon City.

Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Marvin Masankay ng CIDU-QCPD, ang krimen ay naganap dakong alas-kuwatro ng hapon (May 5), sa bakanteng lote sa Sta. Elena Property na matatagpuan sa Milan St., Capitol Park Homes, Brgy. Old Balara ng nasabing lungsod.

Batay sa pahayag Joel Caceras, kasamahang guwardiya ng biktima at suspek, nagtalo tungkol sa suweldo ang dalawa hanggang sa walang sabi-sabing pinaputukan ng shot gun ang biktima ng suspek na sio David.