Abante Tonite Interactive

Sekyu namatay sa outpost

400

Patay na nang matagpuan ang isang guwardiya sa binabantayan nitong opisina sa Quezon City nitong Linggo nang gabi.

Kinilala ni P/Captain Juan B. Mortel ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ang biktimang si Mario Mandin, 56, may-asawa, security guard at taga-#333 Gen. De Dios, Brgy. Bagong Silangan, QC.

Sa ulat ng pulisya, natagpuan ang bangkay ng biktima sa security outpost ng Rising Red Dragon sa No. 637 T. Sora Avenue, Brgy. Culiat, QC dakong alas-10:00 nang gabi.

Kararating pa lamang ng witness na si Arnolfo Gulpi helper/delivery boy sa kanilang opisina nang madiskubre ang bangkay ng biktima habang nakaupo.

Sa isinagawang eksaminasyon ng SOCO team sa pangunguna ni PCapt. Jose Bonifacio, wala umanong nakitang external injury sa katawan ng biktima, gayunma’y isasailalim pa rin ito sa awtopsiya para mabatid ang dahilan ng pagkamatay nito. (Dolly Cabreza)